Sunday, November 25, 2007

baby boy...baby girl

nung bata tayo, andali lng malaman ng tama at mali..basta wag kang mananakit ng ibang tao, wag kang kukuha ng hindi sayo, magsorry pag may nsaktan..pro ngyon ang hirap gawin ng mga un. ewan ko ba.,ang dali lng nmn.pero kse ngyon may kasamang ng emotions..mas nagiging komplikado ang lahat..may kasama ng puso...

nung bata tayo, gusto na nating maging matanda..kse parang iba ang mundo nila sa mundo natin at gusto natin na sumali sa mundo nila..kse parang nakakasawa na rin sa mundo natin...pero ngayon, gusto kong bumalik sa mundong dati'y parte ako..kse ang mundo pala na dati ay gusto kong mapuntahan ay sobrang komplikado..lahat ng bagay kelangan mong pagisipan ng mabuti..kelangan mong isipin ang ibang bagay..

kung iisipin natin, ang dali lang nmn ng mga batas ng buhay eh..ang simple simple..pero ewan ko rin ba kung bkit napakahirap nitong gawin..ang hirap din isipin kung tama ba o mali ang gagawin mo..kse konektado ang lahat ng bagay, kelangan mong isipin din ang iba.

No comments: