Tuesday, March 18, 2008

..untitled..

ayokong umuwi.pagkat pagdating ko sa bahay ay katahimikan ang sasalubong sa akin.natatakot ako sa katahimikan dahil marami itong sinasabi.ayokong pakinggan ang sinasabi ng katahimikan.dapat ay may ginagawa akong mga ipapasa bukas.pero ayokong tumayo sa upuan upang magbayad at umalis.saan naman ako pupunta?saan ako pupulutin?wala rin namang handang salubungin ako.wala rin namang handang sunduin ako.walang handang pagbuksan ang pinto upang patuluyin ako.

saan na naman kaya ako mapapadpad nito?wala na naman kasiguraduhan.dahil bawat yapak ay walang direksyon.bawat yapak ay isang pagaalinlangan.bawat yapak ay patungo kung saan man.bawat yapak ay papunta...saan nga ba?

ayokong magisip.sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko na alam kung ano ang iisipin.maraming sinisigaw ang utak ko.kung ano rin ang isinisigaw ng puso ko.

IKAW.

No comments: