Wednesday, October 1, 2008
bakit nga ba ako naiirita??
Saturday, July 19, 2008
awit ng pag-ibig XX
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi
ni Pablo Neruda
sa salin ni Virgilio Almario
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.
Maisusulat ko, halimbawa: "Mabituin ang gabi
at nanginginig, bughaw ang mga tala sa malayo."
Lumiligid sa langit ang simoy-gabi at umaawit.
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.
Minahal ko siya, at minahal din niya ako paminsan-minsan.
Sa mga gabing ganito, ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig.
Ulit-ulit ko siyang hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit.
Minahal niya ako, paminsan-minsan ko rin siyang minahal.
Sino ang hindi iibig sa kaniyang malalaki't mga matang tahimik?
Maisusulat ko ang pinakamalungkot na berso ngayong gabi.
Maiisip kasing hindi na siya akin. Madaramang wala na siya sa akin.
Maririnig ang gabing malawak, at mas lumalawak kung wala siya.
At pumapatak sa kaluluwa ang bersong tila hamog sa pastulan.
Maano kung hindi siya mabantayan ng aking pag-ibig.
Mabituin ang gabi at hindi siya kapiling.
Ito na ang lahat. May umaawit sa malayo. Sa malayo.
Hindi mapanatag ang kaluluwa ko sa pagkawala niya.
Upang waring ilapit siya, hinahanap siya ng aking mata.
Hinahanap siya ng aking puso, at hindi siya kapiling.
Ganito rin ang gabing nagpapusyaw sa ganito ring mga punongkahoy.
Kami, sa tagpong iyon, ang nagbago.
Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit minahal ko siya nang todo.
Hinahanap ng tinig ko ang simoy upang hipuin ang kaniyang pandinig.
Nasa iba. Siya'y nasa iba. Tulad noong katalik siya ng aking mga halik.
Ang kaniyang tinig, malinaw na katawan. Ang kaniyang matang walang-hanggan.
Hindi ko na siya mahal, natitiyak ko, ngunit baka mahal ko siya.
Napakaikli ng pag-ibig, napakahaba ng paglimot.
Dahil sa mga gabing ganito na ibinilanggo ko siya sa aking mga bisig
hindi mapanatag ang kaluluwa ko sa pagkawala niya.
Kahit ito na ang huling pighating ipapataw niya sa akin,
at ito ang huling mga bersong isusulat ko para sa kaniya.
"Puedo Escribir" ni Pablo Neruda salin ni Virgilio Almario
isang napakalungkot na gabi (muli)..hindi ko alam kung bakit..dahil ba sa mga nangyayari?.hindi ko rin alam..kung kanino ko man ialay ang tulang to, ako na lang ang nakakaalam nun..ayoko ng komplikasyon, ayoko ng muling pag-iyak, ayokong masaktan...
mag-isip ka..ano ba tlga?.ano na ba??.diba ang hirap sagutin..kung ikaw nalilito, ano pa kaya ako?.nalilito, nahihirapan, nasasaktan...
alam mo kung ano...ayaw mo lang isipin..parang ako lang..tinatakasan ko ang pag-iisip..gusto kong idaan sa tulog ang lahat para hindi ko maisip..kse pag inisip ko ulit, ang hirap sagutin ng mga tanong sa isip ko..
pero masaya ako..kung alam mo lang.masaya akong nasasaktan..masokista no?.pero ganun tlga..kaya naman hahayaan ko na lang..kung anuman ang mangyari, e di nangyari..wala naman akong hawak sa bagay na to..masaya ako (sa piling mo)...
Thursday, May 1, 2008
in preparation
i'm just hoping that my preparation is enough to have me emotionally and psychologically stable.
i don't like what i'm feeling right now..i know that it is wrong. (very wrong indeed)
i hope that someday, i'll treat you just like any other person in my life..not as special as you seem right now..
i miss you..that's one thing for sure..even if i deny it many times, i know that i'm feeling that way..that i feel something special for you..whoever you are,.i hope i can say it to you..but i don't have the guts to do that. i don't want to ruin the friendship that we've built..i don't want to ruin everything..
for now, i'm preparing myself...
Monday, March 24, 2008
..manong, marikina!..
i suddenly felt empty..
empty of what i should have.
bgla kong nafeel na gusto kong bumaba..i miss my home..i miss my sisters..i miss my parents..i miss my bestfriends.
actually, i'm not really empty..they're there..it's just that maybe i'm longing for their hug (and un ang super kelangan ko ngayon)...their presence...
if i could just go to session road, ride a cab and tell the driver..."manong, marikina..."
...i would
Tuesday, March 18, 2008
..untitled..
saan na naman kaya ako mapapadpad nito?wala na naman kasiguraduhan.dahil bawat yapak ay walang direksyon.bawat yapak ay isang pagaalinlangan.bawat yapak ay patungo kung saan man.bawat yapak ay papunta...saan nga ba?
ayokong magisip.sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko na alam kung ano ang iisipin.maraming sinisigaw ang utak ko.kung ano rin ang isinisigaw ng puso ko.
IKAW.
Wednesday, March 12, 2008
..i'm just missin' you badly..
kaya mejo nagbago lahat ng pananaw q sa buhay..harhar..it's really funny how a person like you change everything or all of my plans in life..i can still remember the moment that you asked me about my plans after graduation..harhar..wala lang..i just find it funny now that i suddenly didn't answer you about my real plans..bigla akong nablanko..kung napansin mo..bgla akong nagisip..coz at that very moment, i was just thinking about you and me together at that time..it's sad that the time flew so fast and we never noticed that soon, the sun will be up..i stayed awake all night with you..and that will be in my memory forever..the moments when we don't have any plan in our life (and it ended up walking along session road)..i really enjoyed your company..gusto kong kausap ang mga taong kagaya mo..hehe, and so many bloopers happened..
kaya tuloy, i'm missin' you right now...
Friday, February 22, 2008
..laya..
ikaw ang taong mapagpalaya...
ikaw ang taong nagpalaya...
at ikaw ang taong magpapalaya...
oo, ikaw nga. bkt ba kasi sa tuwing sasapit ang umaga ay ikaw ang naiisip ko..na sana khit makita ka man lang khit ndi tayo magusap, o hindi mo ko makita. khit na tingnan lang kita sa malayong lugar.
hindi ako nahihiyang aminin na gusto kita sa ibang tao. pero gaya ng dati, nahihiya ako pag ikaw na ang katapat ko. hindi ko na masabi ang gusto kong sabihin. hindi na ako makapagsalita. ngingiti nlng ako kasabay ng iyong magagandang ngiti. mga ngiting nagiging dahilan para ako'y manghina, at hayaan nlng ang lahat ng nararamdaman ko. bahala na.
hindi ako nahihiyang aminin na gusto kita. hindi ako nahihiya. hindi ako natatakot sa kung anuman ang sasabihin ng mga tao. pero ang hindi lang nila alam na hindi pa akong handang ipagsabi ay ang katotohanang hindi kita gusto...pero unti-unti na kitang minamahal.
ikaw ang taong magpapalaya. at ito ay sa maraming bagay. isa na ako don. isa ako sa mga palalayain mo. oo matagal na kong nagpalaya, pero hindi sa ganitong aspeto. hindi ko na kelangan pang palawigin, alam kong naiintindihan mo na. handa na ako, kung hindi man sayo...khit sa iba. tanggap ko na.
oo, ikaw nga. ikaw ang taong magpapalaya sa akin sa isang kahong madilim na matagal kong pinagkulungan. kung noo'y may kaunting liwanag, ngayon ay nakalabas na.
oo. ikaw ang taong nsa puso ko ngyon.
oo. ikaw ang babaeng gusto ko.