Monday, October 1, 2007

jeepney ride

sa pag-iisip habang nakapila para makasakay ng jeep pauwi ng quezon hill sa baguio...

naisip ko lang na ang proseso ng pagsakay sa isang jeep ay parang buhay pag-ibig lang..minsan matagal kang naghihintay, minsan naman mahaba ang pila, minsan habang naghihintay ka ay umuulan, minsan umaaraw...

sa paghihintay na makasakay sa jeep, sasakit ang mga paa mo dahil sa pagtayo...at aasam-asamin mong makaupo pagdating ng jeep...masarap na pakiramdam pag nakaupo ka na dahil mahihimasmasan ang mga pagod mong paa...

minsan ang byahe ay matraffic, o kaya naman ay malubak, minsan naman ay dire-direcho lang..walang palya..

minsan komportable ka, minsan hindi...lalo na kung sa panahon ng tag-ulan. siksikan minsan, na mas gusto mo na lng bumaba

minsan naman sa pagtingin mo sa paligid, iba-ibang tao ang makikita mo..minsan may sabit pa..pilit sumakay kahit wala nang pwesto, para lang makasakay...

sa byahe mo sa jeep, dadating at dadating ang panahon na hihinto ito dahil dumating ka na sa paroroonan mo...minsan hindi mo napapansin andun ka na pla at kailangan mo nang bumaba...minsan nageenjoy ka pa sa pagsakay pero kelangan mo nang bumaba, hindi mo napansin dahil parang napakabilis ng oras...

lahat tayo may destinasyon, hindi nga lang natin alam kung saan...pagkahaba-haba man ng byahe, minsan kelangan mo tlgang bumaba...kelangang itigil..may mga dahilan dito

may mga jeepney ride na hindi kelangang huminto, pero kadalasan naman ay napapanahon na..hindi natin alam kung kelan tayo hihinto...kaya naman sa bawat jeepney ride natin ay pahalagahan natin ito, ienjoy, mahalin...dahil bawat pagsakay ay iba-iba...hindi mo na ulit mararanasan ang eksaktong naranasan mo sa isa...

No comments: